Skip to main content

Ano ang Pag-Ibig?






"Bakit umalis ng walang sabi, bakit di sya lumaban kahit kunti". People come and go, sa buhay natin maraming dadating na tao na magtuturo saatin kung paano magmahal at kung paano mahalin. Noong bata pa lamang ako tinatanong ko na sa magulang ko kung ano ang pag ibig naalala ko pa yung unang beses na tinanong ko sya.

Ma ano po ang pag-ibig?

Anak ang pag ibig ay " IKAW AT ANG BUONG MUNDO"

Pagkatapos niya iyun sabihin ay umalis na agad sya. Sabi ko naman sa sarili ko " ako ? At ang buong mundo ?"  ang gulo kausap ng mama ko, simpleng tanong ang gulo ng sagot. Paano naging ako at ang buong mundo?

Naging isang palaisipan saakin ang sinabi ni mama hanggang sa ako'y tumanda at nagkaisip na. Mula noon hindi na ako nagtanong sa mama ko dahil alam ko namang ganun lang din ang sasabihin nya saakin. Na ang pag-ibig daw ay " ako at ang buong mundo" balang araw daw ay maiintindihan ko kung ano iyun.

Hanggang sa lumipas ang taon. Habang ako'y tumatanda marami akong natututunan sa buhay. Akala ko dati rati ang pagmamahal ay para lamang sa isang lalaki at babae ngunit sa pagdaan ng panahon doon ko natutunan na ang pag-ibig pala ay maraming uri. Unti unti ko na ring natututunan ang magmahal. Magmahal ng mga kaibigan, mahalin ang magulang ko, mahalin ang trabaho, mahalin ang Diyos at higit sa lahat ay magmahal ng kasintahan. Sa puntong ito dito ko pala  mararanasan ang saya, yung pakiramdam na may nag aalaga sayo,  at iniingatan ka. Napaka saya pala magmahal, ganto pala ang pag-ibig. Kaya para saakin noon ang pag-ibig pala ay isang kayamanan, animoy isang baul ng kasiyahan. Ngunit isang araw sa hindi ko inaasahang pangyayari sa  pag ibig din pala ako madudurog at unti unting mawawasak. Ang pag-ibig pala ay kakambal ng kalungkutan. Sa pag-ibig matututo kang umiyak ng patago, sa pag ibig matututo kang magtiis, at sa pag ibig matututo kang mawasak pa unti unti. Dito mo pala matututunan na hindi pala lahat ng taong mamahalin mo ay mamahalin ka pabalik at hindi pala lahat ng mamahalin mo ay mananatili sayo.

Bigla kong naalala yung sabi saakin noon ni mama "Anak hindi mo pa ako maiintindihan kasi bata kapa" kaya pala ganun ang sabi ni mama , dahil hindi talaga natin maiintindihan ang tunay na kahulugan ng pag ibig kung hindi mo susubukan.  Pero ngayon, masasabi kong naiintindihan ko na kung anong ibig sabihin nya, na ang pag-ibig ay " Ikaw at ang buong mundo". Dahil ang pag ibig ay ikaw mismo! Ikaw ang umiibig at ang buong mundo ay ang mga bagay at tao na mamahalin mo at magtuturo saiyo kung paano sumaya at maging malungkot. In short sakop pala ng pag-ibig ang buong mundo.

Ang pag ibig ay napaka lawak, wala pang nakakapag paliwanag kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ngunit ang pinaka magandang halimbawa ng pag ibig ay ang pag-ibig ng magulang natin at ang pag ibig ng Diyos. Sa mundo ang unang nagmahal satin ay ang magulang natin. Pinalaki tayo at inalagaan upang mabuhay at magkaroon ng pangarap sa buhay at kahit ano mang mangyari ang magulang ang magiging sandalan natin tuwing tayo ay mag isa na lamang at walang malapitan. Ganun rin sa ating Diyos dahil minamahal Niya tayo kahit hindi natin sya minamahal pabalik. Hindi ba't ibinigay Nya sa sanlibutan ang kanyang kaisa isang anak upang tayo ay tubusin sa kasalan. Ganoon ang tunay na kahulugan ng Pag-ibig. Mamahalin tayo kahit tayo'y makasalanan.

Kaya masasabi ko na may dalawang uri lamang ng tao na dadating sa buhay mo. Tao na mananatili sayo at tao na binigay lang upang ika'y matuto.. Sa lawak ng saklaw ng pag-ibig ang masasabi ko lang ang pag-ibig ay
         "IKAW AT ANG BUONG MUNDO"

Comments

Popular posts from this blog

About Myself

 Hello philippines! and hello world! This is Micaela Celeste Juson from Tondol, Anda, Pangasinan I live here more than 18 years and I am 19 years old now. I study in Tondol Elementary School , and my Secondary in Tondol National High School and I am a graduating student on the strand of General Academic Strand (GAS). People is talented , and I believe that everyone have a talent like dancing , singing, acting , and sport. And my talent is making a composition of poem in filipino or also called spoken poetry. I love to travel because it calms me like theres no problem in this world. Before I end this information about myself I would like to share my life verse in Romans 8:18 "The pain you've been feeling Can't compare to the joy that is coming"